Friday, April 6, 2007

Siopao Shape

Haha, Ana, sorry, i just have to post this.

Ang portable UFO ni Ana aka light fixture

Bumili si Ana ng light fixture sa mall para sa bahay nilang newly renovated at sabi niya ay foldable naman daw ang ilaw. But no! It turned out, hindi po siya foldable, gawa siya sa bakal at ang pinakamasaya sa lahat, siopao-shaped siya. Oo, siopao-shaped talaga ang tawag sa kanya sa narinig kong sinabi salesman. Isa siyang malaking siopao-shaped na ilaw na pwedeng i-hang sa ceiling ng bahay. At dahil sa laki ng ilaw, walang mapagkakasiyang karton at nakaplastic-wrap na lang siyang bitbit ni Ana mula sa mall. Take note, hindi lang siya mabigat kundi ubod pa ng laki (chest-high at mas malapad pa sa amin). At balak pang i-hand carry ni Ana kinabukasan.
Ana: i-hahand carry ko na lang to. pwede naman siguro na sa first row ako uupo at sa harap ko na lang ilalagay.
Joan: huh? di talaga pwede un. masikip sa loob ng eroplano at hindi magkakasya yan sa overhead bin o kahit sa harap pa.
Ana: hindi, pwede yan.
Joan: naku, baka makita mo na lang gumugulong yan sa loob ng eroplano!
Nang nagbalak umuwi, mahaba ang pila sa taxi stand at ma-traffic sa rockwell drive kaya naisipan ni Ana na lakarin mula sa mall hanggang sa dorm nila akay-akay ang naturang ilaw. Pagdating sa Gabaldon, nakaharang ang mga tao sa pag-abang sa prosesyon kaya kinailangan naming umikot para umiwas sa prosesyon. Pagdating sa dorm ni Ana, ayun, napagod na sa kakabitbit ng malaking siopao.

Hindi pa doon nagtatapos ang adventure ng siopao-shaped light. Kinabukasan, nagpahatid si Ana sa airport dahil mahirap nga namang mag-travel mag-isa kasama ang nasabing ilaw. Sinundo kami ni Melody (at nakakahiya talaga dahil buong pamilya ni Mel ang sumundo at naghatid sa amin sa airport) sa kanto ng P. Burgos at kinailangan isakay ang siopao-shaped ilaw. At dahil sa laki, hindi nagkasya sa likod ang siopao-shaped ilaw at kinailangan siyang kandungin ni Ana.

Pagdating sa airport, nagtaka ang mga kapwa pasahero at security guard na siguro ay hindi pa nakakakita ng siopao-shaped ilaw (portable UFO ika nga ni Ana) na bitbit papasok sa check-in counter at hindi nagkasya sa x-ray conveyor belt. Kinalaunan, naipasok na rin
sa wakas at na-i-check in sa counter (dahil hindi nga pwedeng i-hand carry) ang portable UFO.

No comments: